Friday, March 11, 2016

Sa eskwelahan...

Nakakabagot, wala akong kausap, wala akong katabi
Ayaw ko namang lumipat at makipagkumpulan sa kanila
Di ko sila kilala,  close na ang ibang mga nanay,  classmates na rin sila
Masaya silang nag-kwekwentuhan
Iyan ang epekto ng isang "working mom" Bihirang makita sa school
Di kilala ng kapwa nanay
Walang katsismisan
Mabuti ba iyon o hindi?

Napakabagal ng oras
Bawat minuto ay nabibilang
Gamit na gamit ang cellphone
Mahirap magpanggap
Ayan may tumabi na sa akin
Paalam muna...

Oops, lumipat ng upuan
May nakitang kakilala
Naiwan nanaman akong magisa
Heto at humahaba  ang aking tula
30 minuto pa...

May lumabas ng estudyante
Tapos na siyang magexam
Sana'y anak ko na iyan
Nabuhayan ng dugo
Sa bandang kaliwa nagpunta
Hindi ko pala anak iyon

May tumabi na uli
May makakausap na sana
Ngunit naglabas din ng cellphone
Magpapanggap din pala
20 minuto pa...

10 minuto pa
At hayan na,  lumabas na ang aking anak
Nakangiti, tapos na sa kanyang exam
Umaasa akong tama ang kanyang mga sagot
Nawalang bigla ang aking inip

No comments: